Hindi mapatatahimik ng mga pagbabanta ni Pangulong Rodrigo Duterte si U.S. Senator Edward Markey, isa sa labing isang U.S. senators na sponsor ng resolusyong nananawagan ng pagpapalaya ni Senadora Leila De Lima.
Ito ang tiniyak mismo ni Markey sa kabila ng utos ni Pangulong Duterte na nagbabawal sa kanya at dalawa pang U.S. senators na makapasok ng Pilipinas.
Ayon kay Markey, nagkakamali si Pangulong Duterte sa pag-aakalang mapipigil nito ang kanyang mga kritiko sa pamamagitan ng mga pananakot at pagbabanta.
Aniya, dapat maisip ni Pangulong Duterte na hindi ito naging epektibo maging kina Senadora De Lima, Maria Ressa, at iba niyang kritiko.
Iginiit ni Markey, kaisa siya ng lahat ng Pilipino at matatapang na miyembro ng Filipino–American community sa paglaban para sa democratic ideals at kontra sa ‘strong man’ tactic ni Pangulong Duterte.