Sugatan ang isang abogado matapos pagbabarilin sa harapan ng kanyang tahanan sa Dumaguete City.
Kinilala ang biktima na si Atty. Ray Moncada, 44 na taong gulang.
Batay sa salaysay ng kaanak ng biktima na nakakita sa insidente, mag-isa lamang sa kanyang tahanan si Moncada nang mag-doorbell ang mga salarin.
Nang makita umano ng biktima ang sa labas ng gate ang dalawang kahina-hinalang lalaki na sakay ng motorsiklo at naka-helmet agad itong tumakbo papasok ng kanyang bahay.
Gayunman, pinaputukan na ng mga salarin ang abogado kung saan tinamaan ito.
Samantala, sinabi ni Negros Oriental Provincial Police Office Director Col. Julian Entoma, kanila nang pinuntahan ang tahanan ni Moncada at kumuha na rin sila ng kopya ng CCTV na nakakabit sa kalsada sa bahagi ng tahanan ng biktima. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9).