Nakahanda ang Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang ipinataw na P10 taas-presyo sa ginagamit na Beep card sa MRT at LRT lines.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, posibleng talakayin ang nabanggit na usapin sa kanilang susunod na cabinet meeting.
Sa ngayon aniya, hihintayin muna ng DOJ ang pormal na kahilingan mula sa Department of Transportation (DOTr) o direktang utos mula kay Pangulong rodrigo duterte para sa imbestigasyon.
Una nang sinabi ng dotr ang sampung pisong dagdag sa presyo ng beepcard ay bahagi ng probisyon sa kanilang concession agreement sa a-f payments incorporated.
Binigyang diin ng dotr na hindi nito direktang maapektuhan ang pasahe sa mrt-3, lrt-1 at 2 bagkus tanging ang issuance fee o pagbili lamang sa beep card.