Magpapadala ng higit 3,000 sundalo ang Estados Unidos sa Middle East matapos ang pagkapatay kay Iran Military General Qassem Soleimani.
Ayon sa Pentagon, ang karagdagang pwersa ay magmumula sa 82nd airborne immediate response force.
Ito ay para mag responde sa mas tumitinding tensyon sa pagitan ng US at Iran.
Magugunitang napatay si Soleimani matapos tumama ang tatlong rockets sa sasakyan nito sa Baghdad Airport.