Hindi inirerekomenda ni Overseas Filipino Workers (OFW) rights advocate at dating Labor Undersecretary Toots Ople ang pagpapatupad ng total deployment ban sa Kuwait.
Ito ay kasunod pa rin ng panibagong kaso ng pagkamatay ng isang Pinay household worker sa kamay ng kanyang Kuwaiti employer.
Ayon kay Ople, hindi kinakailangang piliting bumalik ng Pilipinas ang mga Filipinong manggagawa sa Kuwait lalo na ang may maaayos namang employers.
Sinabi ni Ople, kinalailangan lamang aniyang tulungan makabalik ng bansa ang mga nais umuwi o mga nakakaranas ng pang-aabuso.
Iginiit naman ni Ople na kinakailangan lamang tiyakin ng pamahalaan na nasusunod ng Kuwait ang inilatag na probisyon sa nilagdaang kasunduan ng dalawang bansa para sa kapakanan at kaligtasan ng mga OFW’s.
Sana malinaw yung game plan ng DFA at DOLE, ito yung mga low compromise; ngayon kapag hindi nila naibigay iinvoke na natin yung sa under na amendment migrant workers act kasi kung ang gobyerno feeling nila hindi protected yung OFW sa isang bansa they can recommend na hind na talaga magpapadala nandun naman yun sa batas natin,” ani Ople.