Binuhay na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kanilang crisis management team bilang paghahanda sakaling mauwi sa digmaan ang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran-Iraq.
Ayon kay OWWA Administrator Hans Cacdac, pinag-uusapan na kung ano ang kanilang mga ospyon sakaling kailangan nang iuwi sa bansa ang mga Pilipinong nasa Iran at Iraq.
Pinakakritikal anya sa mga ganitong sitwasyon ang ruta na dapat gamitin para maiuwi nang ligtas sa bansa ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Mayroon kaming crisis management team sakaling mangyari ang krisis,” ani Cacdac.
Muling tiniyak ni Cacdac ang kahandaan ng OWWA na tulungan ang mga OFWs na uuwi sa bansa –mula financial assistance hanggang sa training para sa kanilang kabuhayan.
Meron tayong mga repatriation program na makatutulong –financially at livelihood sa mga uuwing Pinoy,” ani Cacdac.
Sinabi ni Cacdac na sa ngayon ay nagpupulong na rin ang Filipino community sa Iran at Iraq at nakikipag-ugnayan na sa embahada ng bansa sa Baghdad. —sa panayam ng Ratsada Balita