Nakaalerto ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa local terrorist groups na posibleng sympathizers ng Iran.
Ayon kay acting PNP Chief General Archie Gamboa, sa ngayon ay wala pa silang namomonitor na anumang panganib na makarating ang tensyon ng U.S. at Iran sa Pilipinas dahil sa mga sympathizers.
Sinabi naman ni AFP Chief Lt. General Felimon Santos na iprinisinta nila sa Pangulong Rodrigo Duterte ang mga aksyon na puwede nilang gawin.
Una na rito anya ang pagmonitor at pakikipag-ugnayan sa mga defense attaché’ na nasa mga karatig bansa ng Iran at Iraq.
Pangalawa anya ang mahigpit na monitoring sa mga local terrorist groups, bagamat sa pagkaka-alam anya ng AFP ay wala namang grupong may koneksyon sa Iran.