Tiniyak ng Department of Health na daraan sa mabusising pagsusuri ang mga Pilipinong sumama sa taunang Hajj sa Saudi Arabia.
Ito’y upang matiyak na ligtas ang mga ito mula sa nakamamatay na sakit na Middle East Syndrome Corona Virus o MERS CoV.
Ayon kay Dr. Lyndon Lee Suy, tapagsalita ng DOH, umaasa silang makikipagtulungan ang mga nagsisama sa Hajj sa pamamagitan ng tapat na pagsagot sa ilang katanungan.
Mangyari lamang ayon kay Lee Suy na ilagay din ang contact number ng mga pasahero upang maipaalam sa kanila agad kung may problema o wala ang isang miyembro ng pamilya na mula sa Saudi Arabia.
By Jaymark Dagala