Mahigpit ang ipinatutupad na seguridad sa ginaganap na tradisyunal na ‘pahalik’ para sa Poong Itim na Nazareno sa Quirino Granstand.
Aabot sa 500 pulis ang ipinakalat para magbantay sa seguridad sa lugar.
Bunsod naman ng maagang pagsisimula ng ‘pahalik’, hindi na nahirapan ang mga deboto dahil sa mabilis na pag-usad ng pila paakyat sa kinalalagyan ng Itim na Nazareno.
Alas-2 kahapon, ika-6 ng Enero, dinala na sa Quirino Grandstand ang imahe ng Itim na Nazareno para sa tradisyunal na ‘pahalik’.
Mas maaga ito sa karaniwang nakasanayan na ika-8 ng Enero.
Layunin naman nitong mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming deboto na makalapit at makahalik sa imahe. —ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)