Nagpatupad ng deployment ban ang Bureau of Immigration (BI) sa household service workers (HSWs) sa Kuwait.
Kasunod na rin ito nang pagpatay sa Pinay worker na si Jeanelyn Villavende.
Ayon sa BI, maaari lang makalabas ng bansa ang Kuwait bound HSWs na may overseas employment certificates na inilabas hanggang January 3, base na rin sa naging resolusyon ng governing board ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Nilinaw ng BI na hindi sakop ng deployment ban ang mga pabalik na Pinoy workers at first time skilled workers sa Kuwait.