Aabot sa 13,000 pulis ang ipinakalat sa Traslacion ng Itim na Nazareno, ngayong Huwebes, ika-9 ng Enero.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año, nagmula ang mga pulis sa Mobile Action Force Battalion, Special Action Force, Eastern Police District at Manila Police District.
Tutukan umano ng mga pulis ang lahat ng kalyeng dadaanan ng Traslacion.
Mga Mulim na pulis kaisa rin sa seguridad ng Traslacion 2020
Kaisa rin sa pagtitiyak ng payapang Traslacion ng Itim na Nazareno ang nasa 200 Muslim na pulis.
Sumailalim din ang naturang mga pulis sa orientation ng Quezon City Police District, kagabi.
Kabilang ang mga pulis sa pinuwesto sa malapit sa Quiapo Church para magbantay sa prusisyon.
Una rito, sinabi ni Police Brig. Gen. Debold Sinas, acting director ng NCRPO, na nasa 1,500 pulis ang isasama mismo sa prusisyon habang 10,000 naman ang nakatako sa paligid ng ruta.