Mabilis na nalinis ang tone–toneladang basura na iniwan ng mga deboto ng itim na nazareno sa mga kalsadang dinaanan ng traslacion.
Ito ay sa pagtutulungan ng mga street sweeper mula sa Department of Public Works and Highways, Metropolitan Manila Development Authority at Manila City Hall.
Nakabuntot ang mga naglilinis sa dulo ng prusisyon kaya agad na napulot ang mga basura at nawalisan ang mga dinaanan ng prusisyon.
Marami ring mga mangangalakal ang sinamantala ang pagkakataon para pulutin ang mga bote at plastic bottle na maari pa nilang ibenta at pakinabangan.
Una nang tinukoy ng mmda na umabot sa halos pitumpung tonelada ng basura ang nakuha sa Quirino Grandstand.