Idinipensa ni Manila Mayor Isko Moreno ang naging pagkadismaya ng mga deboto sa presensiya ng napakaraming pulis sa naging traslasyon kahapon.
Ayon kay Mayor, obligasyon ng mga otoridad na maglatag ng seguridad at gawing mas maayos ang prusisyon.
May ilan umanong mga deboto ang nagreklamo na nasugatan sila dahil naka suot pa ng combat boots ang mga pulis.
Sinabi ni Moreno na natural lamang na magsuot ng boots ang mga pulis dahil bahagi ito ng kanilang uniporme at mayroon naman aniyang talagang nasusugatan ang paa sa prusisyon kahit pa walang mga pulis na naka boots.
Sa huli, sinabi ni Moreno na epektibo ang inilatag na sistema ng naging prusisyon kaya naman posibleng sa susunod na taon ay ito rin ang kanilang gamiting sistema.