Nangako ng dagdag na P2-bilyon ang Japan para gawing matibay ang dalawang tulay sa Metro Manila.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin, layon nito na gawing mas matibay laban sa lindol ang Lambingan bridge sa Sta. Ana, Maynila at Guadalupe bridge.
Ipinaliwanag ni Locsin na ang pagtaas ng halaga ng proyekto ay bunga ng mga pagbabago sa construction technology na gagamitin sa mga tulay.
Unang nalagdaan ang paunang loan agreement na P4.5-bilyon nuong August 2015 subalit na extend ang proyekto hanggang August ng 2023.