Nagkainitan si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at ilang mga nagkikilos protesta sa labas ng tanggapan ng Department of Foreign Affairs sa Pasay City.
Lumabas si Locsin mula sa kanyang tanggapan kung saan sinubukan niyang agawin ang mikropono na hawak ng isa nag po-protesta.
Sandaling bumalik sa loob ng tanggapin si Locsin at lumabas ulit para hamunin ang mga rallyista na bugbugin siya.
Sa huli, tinugon ni Locsin ang mga isyung ipinapanawagan ng mga nag kikilos protesta tulad ng pagpapatuloy ng repatriation sa Middle East sa kabila ng paglamig ng sitwasyon duon at pagsusulong ng hustisya para sa nasawing household service worker sa Kuwait.