Dalawa (2) na ang naitalang nawawala sa pananalasa ng bagyong Jenny sa bansa.
Kinilala ang mga nawawalang biktima na sina Fajardin Tinggalong, 20-anyos at Lacmudin Tinggalong, 16 anyos.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, nangingisda ang magkapatid sa ilog sa Labangan, Zamboanga del Sur nang biglang rumagasa ang tubig dulot ng malakas na pag-ulan.
Nawasak ang sinasakyang bangka ng mga biktima dahilan upang mahulog ito sa ilog.
Samantala, batay sa tala ng NDRRMC, aabot na sa 378 pamilya ang apektado ng pagbaha sa Negros Occidental partikular sa mga bayan ng Himamaylan, Cabancalan at Isabela.
By Ralph Obina