Bagama’t bahagya ay patuloy namang tumataas ang lebel ng tubig sa Angat dam sa lalawigan ng Bulacan sa nakalipas na magdamag.
Batay sa pinakahuling datos mula sa PAGASA Hydrology Division kaninang 6:00 ng umaga, pumalo sa 204.61 meters ang lebel ng tubig sa nasabing dam.
Mas mataas ito ng .2 meters mula sa naitalang 204.59 meters sa kaparehong oras kahapon, Enero 10.
Bahagya namang bumaba ang lebel ng tubig sa La Mesa dam mula sa 77.78 kahapon ay nasa 77. 76 na ito sa ngayon.
Nadagdagan naman ang lebel ng tubig sa Ambuklao, Binga at Magat habang nabawasan naman ang San Roque, Pantabangan at Caliraya samantalang walang naging paggalaw sa lebel ng tubig sa Ipo dam.