Nanawagan ang isang grupo sa Department of Labor and Employment (DOLE) na gawing pantay ang sweldo ng mga nurse sa pribadong kumpanya sa mga nasa government health institutions.
Ayon kay Anakalusugan Party-list Representative Micheal Defensor, marami pa ring mga nurse ang nasa bansa para dito magserbisyo at hindi sa abroad.
Aniya, kailangang hikayatin ng gobyerno ang mga bagong nursing graduates na magtrabaho sa bansa.
Isa na raw na paraan dito ang pagbibigay ng maayos na sweldo.
Magugunitang sa ilalim ng Salary Standardization Law (SSL) ay tataas ng higit 20% ang sweldo ng mga government employees.