Nahulog sa bangin ang isang jeep na may lulang 21 pasahero sa Agoncillo, Batangas.
Ayon kay Mayor Wilson Maralit ng Balete, Batangas karamihan sa mga sakay ng jeep ay residente ng Balete at nagta-trabaho sa iba’t ibang palaisdaan.
Lilikas umano sana ang mga ito dahil sa nag-aalburutong bulkang Taal.
Sa ngayon ay ina-alam pa ang karagdagan pang detalye hinggil sa aksidente.
Hindi pa rin kasi nila umano matiyak ang kalagayan ng mga sakay ng jeep lalo’t madilim at maputik sa nasabing lugar.