Nagkakaubusan na ng face mask sa mga pharmaceutical store maging sa mga hardware.
Ito’y matapos magsimulang magbilihan ang publiko dahil sa patuloy na ash fall na nararanasan bunsod ng nag aalburutong bulkang Taal.
Ilan sa mga netizen na ang nagtatanong-tanong kung saan maaari pang makabili ng face mask dahil sa kanilang lugar umano sa Batangas ay wala nang mabilhan.
Makikita rin sa isang post sa social media ang isang picture ng isang drug store sa las piñas na may sign sa pinto na “out of stock face mask”.
Samantala, sinabi naman ng Department of Health (DOH) na maaaring maging alternatibong proteksyon maliban sa face mask ay ang basang bimpo.
Hindi magkamayaw ang mga tao sa pagbili ng face mask, marami sa ating drug store ang out of stock, wag po sana mag hoard ng face mask at wag po sana tayo abuso sa price nito. At this time kailangan natin magdasal at mag kaisa. #Taal #TaalVolcanoEruption pic.twitter.com/OtGawTkU5t
— ️ Geri General ♏ (@iamfabulousgeri) January 12, 2020