Halos 76% ng mga Pilipino ang naniniwalang mayroong paglabag sa karapatang pantao ang anti-drug war ng Gobyernong Duterte.
Batay ito sa survey ng Social Weather Stations (SWS) mula December 13 hanggang December 16, 2019, kung saan 42% ang nagsabing maaaring maraming human rights abuses at 33% naman ang nagsabing maraming paglabag sa karapatang pantao sa pagpapatupad ng illegal drugs campaign ng gobyerno.
Sa 24% na naniniwalang kakaunti lamang ang human rights violations sa nasabing kampanya –21% ang naniniwalang mayroong iilan at 3% ang nagsasabing kakaunti lamang ang human rights abuses.
Batay sa police record, mahigit 6,700 drug suspects ang nasawi simula nang ilarga ang drug war noong July 2016.