Ipinagbawal muna ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagsasagawa ng outdoor trainings.
Kasunod ito ng panganib sa kalusugan na maaaring idulot ng ash fall mula sa Taal Volcano.
Sa kanilang advisory, sinabi ng PSC na hindi muna dapat magsagawa ng outdoor training ang lahat ng miyembro ng national team.
ADVISORY: All national teambers are advised that trainingoutdoors is prohibited at the moment in light of the ashfall due to Mt. Taal’s eruption. Keep safe. #PSCatWork#parasainangbayan#AtletangPilipino pic.twitter.com/qPVesVZYas
— Philippine Sports Commission (@psc_gov) January 13, 2020
Sa halip ay indoor trainings muna ang isagawa ng mga atletang Pinoy habang hindi pa humuhupa ang ash fall mula sa Bulkang Taal.