Wala nang inasahang ash fall sa bahagi ng Metro Manila sa susunod na tatlong araw.
Ayon kay DOST Undersecretary at PHIVOLCS Director Renato Solidum, batay kasi sa ipinalabas na forecast ng PAGASA patungong Northeast ang magiging direksyon ng hangin hanggang Enero 16, Huwebes.
Sinabi ni Solidum, tinutumbok din maging ng inilalabas na eruption column at steam plume o cloud ng abo ang direksyong northeast o patungo sa bahagi ng Laguna at Quezon hanggang Polillo Island.
Dagdag ni Solidum, magandang balita aniya ito para sa operasyon ng paliparan sa susunod na tatlong araw.
14 to 16 ang forecast ng hangin ay papuntang northeast papuntang parte ng Laguna, Quezon tumbok papuntang Polillo at sa kasalukuyan ang eruption column and steam plume yung cloud ng abo ay papuntang northeast din so, kaya mapapansin niyo walang bumabagsak dito sa Metro Manila at magandang balita yan pagdating sa mga operations ng eroplano sa NAIA airport,” ani Solidum.