Bumaba ng 70% ang bilang ng mga turista sa Tagaytay matapos ang pagputok ng bulkang Taal.
Ayon sa Tourism Office ng syudad, hindi muna nila hinihikayat ang mga turista na pumunta sa Tagaytay City.
Anila, sa ngayon ay nagsasagawa pa ng assessment at clearing operations ang lokal na pamahalaan.
Magugunitang nabalot ng abo ang Tagaytay dahil sa patuloy na pagaalburoto ng bulkan.