Bukas na sa mga motorista ang ilang daan papunta sa Tagaytay na naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal.
Ayon sa mga otoridad, maaari nang madaanan ng mga motorista ang Tagaytay-Talisay road gayun din ang Sta Rosa–Tagaytay road.
Anila, napagpasyahang buksan ito matapos na maalis na ang mga debris at abo sa daanan.
Samantala, hinikayat pa rin ng mga otoridad na maging maingat ang mga motorista dahil nananatili pa ring madulas ang mga daanan.