Pumalo na sa halos 7,000 pamilya o mahigit 30,000 indibiduwal sa Batangas at Cavite ang apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 4,000 pamilya o higit 18,000 indibiduwal sa nabanggit na bilang ang pansamantalang nananatili sa mahigit 100 mga evacuation centers.
Samantala, tatlong kalsada rin ang nananatiling sarado sa mga motorista dahil sa zero visibility kasunod ng pagbuga ng abo ng Bulkang Taal.
Kabilang ditto ang Tanauan-Talisay-Tagaytay Road sa Talisay, Batangas; Tagaytay–Taal Lake Road; Tagaytay-Talisay Road sa Tagaytay City, Cavite.
Habang pitong siyudad at munisipalidad naman ang nananatiling walang suplay ng kuryente na kinabibilangan ng Amedeo at Tagaytay City sa Cavite at Lipa, Tanauan, Laurel Talisay at Lemery sa Batangas.