Itinakda na sa October 2 ang arraignment sa magkapatid na Joel at Mario Reyes sa kasong murder kaugnay sa pagpaslang kay environmentalist broadcaster Gerry Ortega.
Inaasahan namang ngayong araw na ito ilalabas ng Palawan RTC ang commitment order para sa magkapatid na Reyes.
Ang nasabing kaso ay mananatiling hawak ni Judge Jose Usman.
Ang magkapatid na Reyes ay nananatili sa Palawan City Jail.
Bantayan ang Reyes brothers
Samantala, hinimok ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Senen Sarmiento ang publiko at ang sektor ng media na bantayan ang magkapatid na Joel at Mario Reyes kahit nakakulong na ang mga ito sa Puerto Prinsesa jail.
Sa harap ito ng pangamba ng ilan na baka bigyan ng special treatment ang magkapatid.
Sinabi ni Sarmiento na bagamat kanilang tinitiyak ang pantay na pagtrato, makakabuti ang pagiging mapagmatyag ng publiko sa mga ito.
Ang arraignment ng magkapatid na Reyes para sa kasong murder kaugnay ng pagpatay sa broadcaster environmentalist na si Dr. Gerry Ortega ay nakatakda sa Biyernes, Oktubre 2.
By Judith Larino | Katrina Valle | Jonathan Andal