Dumating na sa bansa ang unang batch ng mga Overseas Filipino Workers na ini-repatriate mula sa Iraq kasunod ng tensiyon duon.
Ayon sa DFA, 11 matanda at 2 bata ang matagumpay na naibyahe pabalik ng bansa sa Baghdad at Erbil.
Bahagya umanong nagkaproblema sa Iraqi Immigration matapos na makitang peke ang passport ng siyam sa mga Pilipinong inilikas.
Nadaan naman sa pakiusap ng mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas ang mga Iraqi Officials kaya agad ring pinaalis ang mga Pilipino.
Una nang itinaas sa alert 4 sa Iraq o pagpapatupad ng mandatory repatriation dahil sa tensiyon sa pagitan Iran at Amerika.