Sinuportahan ni pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles sina Vice President Jejomar Binay at Davao City Mayor Rodrigo Duterte para sa 2016 elections.
Sinabi ni Atty. Stephen David, abogado ni Napoles na madalas nila itong napag-uusapan ni Napoles.
Ipinaliwanag ni David na sinusuportahan ni Napoles si Binay dahil nakaka-relate ito sa pinagdaraanan ng Bise Presidente na hinaharas sa dami ng kaso na isinasampa sa kanya.
Suportado din aniya ni Napoles si Duterte dahil sa paniniwala nitong matikas at patas sa pagpapatupad ng batas ang alkalde.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)