Pumalo na sa mahigit 27,000 pamilya o 125,107 na indibwal ang nanunuluyan ngayon sa mga evacuation centers dahil sa panganib na dulot ng Bulkang Taal.
Ayon kay Batangas Provincial Disaster Risk Reduction Management Office Head Lito Castro, ang mga ito ay nanunuluyan sa 393 na mga evacuation areas sa probinsiya.
Mayroon ding naitalang mga evacuees sa labas ng Batangas partikular sa Quezon Province at Calamba, Laguna.
Samantala, nagpapatuloy naman ang forced evacuation sa mga 2 syudad at 12 munisipalidad na pasok sa 14 kilometer radius na danger zone sa paligid ng Bulkang Taal.