Mura nang ibinebenta ng mga residente ng isla ng Taal volcano ang mga alaga nilang kabayo.
Ito anila ay para lang mailikas at hindi mamatay ang mga hayop sa gitna ng pag-aalburoto ng bulkang Taal.
Bahagi ng kabuhayan ng mga residente duon ang kabayo kung saan kadalasan ay sinasakyan sa mga turista.
Ngunit ngayon ay nasa P3,500 na lamang ibinebenta ang isang kabayo.
Ang naturang mga kabayo ay nailigtas ng animal rescue group na People for the Ethical Treatment of Animals (PETA).
Ayon sa PETA, karamihan sa mga alagang hayop na kanilang nailikas mula sa isla ay dadalhin sa isang farm sa Tagaytay at duon muna aalagaan.