Makatatanggap ng 300% ng kanilang arawang sahod ang mga manggagawang magtatrabaho sa ika-9 ng Abril ng kasalakuyang taon.
Batay ito sa ipinalabas na abiso ng National Wages and Productivity Commission (NWPC), bunsod na rin ng pagkakatapat sa ika-9 ng Abril sa dalawang regular holiday.
Ito, ang Araw ng Kagitingan at Huwebes Santo o Maundy Thursday.
Sakaling hindi naman pumasok sa trabaho, makatatanggap ang mga manggagawa ng 200% ng kanilang arawang sahod.