Lumikha ang Google Philippines ng isang consolidated map na nagpapakita ng mga lugar na kinaroroonan ng mga evacuation centers para sa mga biktima ng bulkang Taal.
Ayon sa google, naging posible ang naturang map dahil na rin sa impormasyon mula sa Batangas Public Information Office.
Layon nitong matulungan ang mga biktima lalo na ang mga evacuees at kanilang kaanak gayundin ang mga nagnanais na maghatid ng tulong.
Para magamit ito, magtungo lamang sa google.com at i–click ang evacuation centers for the Taal eruption.