Tuluyan nang iiwanan ng nag iisang babaeng Olympiad ng Iran ang kanyang bansa para lumipat sa Europa.
Sa kanyang instagram account, ipinaliwanag ni Kimia Alizadeh sa kanyang desisyon.
Aniya, kabilang siya sa mga inaaping babae sa Iran at anoman ang ipagawa o nais na sabihin ay sinusunod niya.
Nagdiriwang aniya ang Tehran sa kanyang tagumpay sa kanyang sports ngunit hindi siya itinuturing na atleta kundi isang tool o gamit lamang ng kanyang bansa.
Si Alizadeh ay ang kauna unahang babaeng Iranian na nanalo sa bronze medal sa 57 kilogram category ng taekwondo sa 2016 Rio Olympics.