Maglalaan ng halos P2-M ang Philippine Coconut Authority para sa muling pagbangon ng mga magsasaka ng niyog na labis na apektado rin ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, mamamahagi rin sila ng 150,000 binhi mula sa coconut seedlings dispersal project at agricultural grade salt fertilizer para sa mga nasirang kahoy.
Bubuo na rin ang kagawaran ng livestock operation center sa Southern Tagalog Region at inatasan na rin ang national livestock program sa pakikipagtulungan ng DA agribusiness and marketing assistance service.
Maglalaan naman ng mga sasakyan ang DA na siyang gagamitin sa paglilikas ng mga hayop sa pagdadala ng mga feeds at mga suplay para sa mga hayop.