Nakapagtala na ng 666 na volcanic earthquakes ang Phivolcs mula nang magsimula ang pag-aalburuto ng bulkang Taal noong Enero 12.
Ayon kay Phivolcs Director Undersecreatry Renato Solidum, dumarami rin ang nakikitang fissure o pagbibitak-bitak ng lupa sa mga bayan ng Agoncillo, Lemery, Talisay at San Nicolas sa Batangas.
Paliwanag ni Solidum, ang mga nangyayaring pag-angat ng lupat at pagbagsak ng ilang bahagi at patuloy na volcanic earthquakes ay nangangagulugang umaakyat ang magma.
Bunsod nito patuloy pa rin ang pagmomonitor ng Phivolcs sa mga aktibidad ng bulkang Taal.
Kaugnay nito, hinikayat ni Solidum ang publiko na gumamit ng Hazard Hunter Ph App para makita kung may panganib bunsod ng pag-aalburuto ng bulkan ang isang lugar.
Para po sa mas madaling pag-alam kung nasaan ang lokasyon ng mga bahay o ano mang mga istraktura, iskwelahan o ano man, paalala ko lang po mayroon tayong hazard hunter app. Pwede natin malaman kung ang ating mga bahay at posisyon ay pwedeng abutan ng base surge. I-double click nyo lang ang screen at pwede na kayong magkaroon ng assessment kung safe o hindi sa mga volcanic hazards and other natural hazards. Ito po yong url, hazardhunter.georisk.gov.ph at kung mayroon po kayong android phone mayroon po dyan sa google play pwede nyong i-download as mobile app.—ani Solidum.