Pagpapasyahan na ng South Korea sa susunod na linggo ang magiging kapalaran ng isang kauna-unahang transgender soldier.
Sinasabing ang hindi pinangalanang non-commissioned officer ay pumasok sa militar bilang lalaki pero sumalang sa sex re-assignment surgery habang nasa serbisyo.
Batay sa patakaran ng South Korea, bawal ang transgender people sa kanilang sandatahang lakas pero wala itong specific regulations kung anong dapat gawin kung ang sex-change operations ay ginawa habang nasa active service ang isang sundalo.
Ayon naman sa isang rights organization, isinalang na nila ang nabanggit na staff sergeant sa counselling at physiological treatment.