Mayroong gumalaw na fault kaya’t niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Mabini, Batangas.
Kinumpirma ito ni PHIVOLCS Director Renato Solidum dahil hindi naman ‘volcanic’ kun’di ‘tectonic in origin’ ang nasabing pagyanig –base na rin sa inilabas nilang bulletin.
Sinabi ni Solidum na April 2017 ay nakapagtala na ng serye ng pagyanig sa lugar dahil sa paggalaw ng fault.
Subalit pinag-aaralan na aniya ng PHIVOLCS kung ang tectonic quake sa Mabini ay maaaring mai-ugnay sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal.