Nasunog ang isang pampasaherong bus habang binabagtas ang Southbound ng EDSA Cubao sa Quezon City, kaninang umaga.
Batay sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nangyari ang insidente sa tunnel ng EDSA – P. Tuazon.
Dagdag ng MMDA, agad ding naapula ang sunog gamit ang isang fire extiguisher bago pa man makarating sa lugar ng insidente ang kanilang firetrucks.
Wala namang pasahero ng nasunog na bus ang napaulat na nasaktan sa insidente.