Nananatili pa rin ang pamamaga ng Bulkang Taal.
Ito ang inihayag ng PHIVOLCS kaya patuloy pa ring nakataas ang Alert Level 4 na nangangahulugan ng pagkakaroon ng posibilidad ng mapanganib na pagsabog ng Bulkang Taal sa mga susunod na oras o araw.
Ito ay sa kabila naman ng bumaba nang bilang ng naitalang volcanic earthquakes at inilalabas na sulfur ng Bulkang Taal.
PHIVOLCS 8AM Taal Volcano Update: Taal, patuloy na nagpapakita ng mahihinang pagbuga ng abo na may taas na 500-600meters; Alert Level 4, umiiral pa rin | via @JILLRESONTOC https://t.co/WxM2n0E7hi
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 21, 2020
Ayon kay PHIVOLCS Volcano Monitoring and Eruption Prediction Chief Ma. Antonia Bornas, kung pagbabatayan ang kasaysayan sa pagputok ng Bulkang Taal, may mga araw na nanahimik ito bago ang sumambulat ang malaking pagsabog.
Dagdag ni Bornas, patuloy pa rin ang mga naitatalang lindol at pagbubuga ng mainit na singaw na nangangahulugang may tumutulak pang magma pataas sa crater ng Bulkang Taal.
Maraming nangyayari sa ilalim ng magmatic system… lahat ‘to may effect ‘to do’n sa behavior ng activity ng volcano,” ani Bornas.