Hindi maganda ang kalidad ng hangin sa ilang bahagi ng Metro Manila na naitala ngayong umaga ng Martes, Enero 21.
Batay ito sa inilabas na air quality index ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung saan unhealthy for sensitive groups ang air quality sa Mandaluyong City.
Dahil dito, pinayuhan ang mga residente na mayroong respiratory illness tulad ng asthma na iwasan ang paglabas-labas.
Sa San Juan naman, acutely unhealthy ang naitalang kalidad ng hangin kaya’t pinayuhan ang mga mayroong heart o respiratory illness na manatili lamang sa loob ng bahay.
Fair naman ang air quality index sa North Caloocan, Las Piñas City, Malabon City, Marikina City, Paranaque City at Taguig City.
Nasa good category naman ang kalidad ng hangin sa South Caloocan, Navotas City, Pasig City at Quezon City.
Samantala, sa iba pang bahagi ng bansa –sa regions 3, 4A at 4B, fair ang air quality index sa Meycauayan City, Bulacan; Silang, Cavite; at Lipa City sa Batangas.
Good naman ang air quality index sa Subic, Zambales; San Fernando, Pampanga; Balangam, Bataan; at Baco, Calapan.