Posibleng mahimok si Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita ng Estados Unidos.
Kasunod ito ng naging imbitasyon ni US President Donald Trump kay Pangulong Duterte na dumalo sa US Asean Summit na gaganapin sa Las Vegas sa Marso 14.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi pa nila natatalakay ni Pangulong Duterte ang imbitasyon ni Trump.
Gayunman sinabi ni Panelo, posibleng mahikayat ang Pangulo na dumalo sa nabanggit na Summit dahil bahagi ito ng pulong ng mga lider ng Asean.
Magugunitang, inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati noong 2017 na wala siyang planong magtungo sa Amerika kasunod naman ng mga pagbatikos ng American Government laban sa kampanya kontra illegal na droga.