Tuloy na ang pilot testing para sa mga motorcycle taxis na tulad ng Angkas, Joy Ride at Move It.
Ito ang kinumpirma ni Transportation Interagency Technical Working Group Chairman Antonio Gardiola matapos ang pakikipagpulong kay Transportation Secretary Arthur Tugade at tatlong motorcycle taxi players, kahapon.
Ayon kay Gardiola, maganda ang kinalabasan ng kanilang pag-uusap kung saan napagkasunduang ipagpatuloy ng TWG ang pag-aaral hinggil sa operasyon ng mga motorcycle taxis.
Dagdag ni Gardiola, maliban sa mga nauna nang inilatag na panuntunan para sa pilot testing, may mga bago rin silang napagkasunduan.
Kabilang aniya rito ang pagtatakda ng mas mataas na capping o bilang ng pumapasadang riders sa Metro Manila.
Gayundin ang karagdagang lugar para sa pag-aaral sa operasyon motorcycle taxis.
Pinag-usapan, pinag-aralan kung talagang kulang kasi yun ang nagiging issue ngayon, we agreed upon, ay tinaasan natin ang cut natin and we even added area of the study para mapalawak ang pag-aaral natin. Itinataas natin ang 15,000 per participants bale sa Metro Manila 4-5,000, so yung dati pa din yung sa Cebu natin tig-3,000 sila, ang nadagdag nating area sa study is Cagayan De Oro kung saan magkakaroon din sila ng tig- 3,000,” ani Gardiola. — panayam mula sa Teka, Teka (alas 4:30 na!)