Apektado na ng northeast monsoon o Amihan ang buong bansa.
Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, lalawigan ng Aurora at Quezon, ngayong Miyerkules, Enero 22.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may pulo-pulong pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabi pang bansa.
Ipinabatid ng PAGASA ang pagpalo sa 21°C ng inaasahang minimum na temperatura sa Metro Manila ngayong Miyerkules samantalang 12°C naman sa Baguio City.
Wala namang binabantayang sama ng panahon na papasok sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.