Humihingi ng school supplies ang Batangas Provincial Government para sa mga estudyanteng evacuees.
Ito, ayon sa Batangas Public Information Office, ay bilang paghahanda sa pagbabalik ng mga estudyante sa eskuwelahan matapos maapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.
Kabilang sa mga ini-aapela ng Batangas Provincial Government sa publiko ay notebook o writing book na pangkinder hanggang grade 6, pad papers na pang-grade 1 hanggang grade 4, intermediate pad na pang-grade 5 hanggang grade 10, ballpen, jumbo pencil, pencil number 1, eraser, crayons, glue, gunting, ruler, scientific calculator at school bag.