Pumalo sa 11.4 degrees celsius (°C) ang pinakamalamig na temperaturang naramdaman sa Baguio City ngayong Miyerkules, Enero 22.
Sinabi ng Office of the Civil Defense (OCD) sa Cordillera na alas-5 kaninang madaling araw nang maramdaman ang malamig na temperatura kaya’t pinapayuhan ang mga residente at turista na magsuot ng makapal na damit.
Pinayuhan din ang publiko na magsuot ng sumbrero, mittens at scarf.
Una nang inihayag ng PAGASA na apektado na ng Amihan ang buong bansa kaya’t asahan na ang paglamig ng temperatura.