Humihingi ng P30B supplemental budget ang mga mambabatas ng Batangas para sa rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng pagsabog ng bulkang Taal at tulong sa mga residenteng apektado.
Ang resolusyon ay inihain ng mga mambabatas mula sa Batangas, 2 araw matapos hilingin sa Kongreso ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpasa ng supplemental budget para magamit sa mga lugar na apektado ng kalamidad.
Ang resolusyon ay agad namang sinuportahan ng mga mambabatas sa kanilang special session na ginanap sa Batangas City.
Ang resolusyon ay inakda nina Representatives Vilma Santos-Recto, Elenita Milagros Ermita-Buhain, Reneo Abu, Ma. Theresa Collantes, Lianda Bolilia at Amriao Vittorio Marinio.