Idinepensa ni House Speaker Allan Peter Cayetano ang isinagawa nilang sesyon sa Batangas City.
Kasunod ito sa puna ng ilang senador na dagdag pasanin pa para sa mga tiga-Batangas ang pagsasagawa duon ng sesyon ng mahigit sa 200 Kongresista dahil kelangan pa silang asikasuhin.
Ayon kay Cayetano, ang sesyon nila sa Batangas City ay bilang pakiki-isa sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal.
Magandang pagkakataon rin anya ito na mapakinggan nila ang hinaing ng mga mamamayan.