Wala nang bumibiyaheng pampasaherong sasakyan papasok at palabas ng Wuhan city sa China.
Resulta ito ng ipinatupad na lockdown upang maiwasan ang pagkalat pa ng 2019 novel coronavirus (2019-nCoV).
Kasabay nito, kinansela na ng pamahalaan ng Wuhan ang lahat ng nakahanay nang aktibidad para sa Chinese New Year gayundin ang qualifying boxing matches para sana sa 2020 Tokyo Olympics.
Ang 2019-nCoV ay hinihinalang nagmula sa seafood market sa Wuhan kung saan kinakatay ang mga exotic na hayop tulad ng paniki, wolf at musang.