Sinampahan ng reklamong overcharging sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang Meralco.
Ang reklamo ay isinampa ni dating ERC Commissioner Alfredo Non.
Sa reklamong inihain ni Non sa ERC, sinabi nitong aabot sa P40-bilyon hanggang P50-bilyon ang sobra-sobrang nasingil ng Meralco mua 2003 hanggang 2019.
Teknikal aniya ang isyu na nakasentro sa asset valuation o halaga ng mga ari-arian at pasilidad ng Meralco na aniya ay binabawi sa sobra-sobrang singil sa mga customers.
Agad namang itinanggi ng Meralco ang akusasyon ni Non.
Ayon sa Meralco, lahat ng kanilang aksyon ay mayroong pagsang-ayon ang pamahalaan.
Blangko naman ang Meralco sa motibo ni Non.